Translate

Monday, November 3, 2014

Mahirap lalo lang naging mahirap

Sa inyong pananaw bakit ang mahirap ay mahirap parin?

Una ang mahirap walang puhunan hindi lang sa negosyo kundi sa lahat ng bagay lalo na ang pag-aaral, Karamihan sa mahihirap umaasa lang sa gobyerno, yong iba ultimo pag kain nila inaasa pa.

Bakit nga ba dumadami ang mahihirap?

Pano kasi wala ng malamon dami pang anak, bakit hindi muna isipin kung ano ang maibibigay sa anak bago gawa ng gawa, responsibilidad ng magulang ang anak bigyan ng edukasyon pero pano mo mabibigyan kung san damak-mak naman sa dami ang anak mo tapos hindi naman kayang gampanan ang tungkulin.

Ang taong mahirap ay hindi nag titipid?

Karamihan sa mahihirap, hirap na nga ang buhay puro pa bisyo, kaunting sahod na nga bibili pa ng alak, kaya pag dating ng sahuran kulang pa ang sahod pang bayad sa utang.

Kung mahirap ka ngayon wag mo na isisi sa magulang mo, tingnan mo ang sarili mo may magagawa ka, tumingin ka sa paligid may makikita ka mag hanap ka at may mahahanap ka. Dapat may goal ka na dapat mong taposin...

ganito ang buhay.

by:Redentor Ganancial

No comments:

Post a Comment